Maaring ngang wala ako sa Manila ngunit parang ramdam ko naman ang malalakas na pagbuhos ng ulan doon. Sa sobrang lakas ng ulan binabaha na ako ng mga papeles na kailangan kong tapusin, mga proyekto na kailangan paghusayan at mga istoryang kailangan na basahin. Masasabi mo nga na eto talaga ang mga gawain ng mga malapit na magtapos ng pag-aaral sa hayskul.
Binabagyo na ako dito ng malakas. Isa rin sa mga kinakainisan ko kapag binabagyo ng ganito ay ang pagkakawala ng ilaw. Ang pagkawala ng ilaw na ito ay aking maihahambig sa hindi ko paglalaro ng RF sa mga nakaraang araw.
Ngunit sabi nga ng mga matatandang korny, nalilipad din ng hangin ang mga ulap ng bagyo. At makikita rin natin ang araw. At ang araw na aking binabangit dito ay ang mga dyamante na aking napanalunan nung nakaraang linggo.
Ulit po ako ay nagpapasalamat sa Level Up Games sa mga kumikinang na dyamante. Kahit po hindi ko pa namamasdan ang mga iyon, ako po ay nagpapasalamat na.
Shocked? You should be. This post is my first tagalog post. Well, I made such a post because it is the "Buwan ng Wikang Filipino". I wanted to commemorate this celebration with this post. Because I belive like in playing RF, or being in any war, we need communication and language. I hope that I was able to give justice for the celebration with this post.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment